Kampanya ng iba’t ibang partido sa Cebu umarangkada na rin

By Dona Dominguez-Cargullo March 29, 2019 - 10:53 AM

Sa lalawigan ng Cebu, kani-kaniyang kampanya na rin ang mga kandidato ng iba’t ibang partido.

Sa Cebu City, maagang dumating sa Cebu Metropolitan Cathedral sina dating Mayor Michael Rama, at incumbent Vice Mayor Edgardo Labella.

Si Labella ang tumatakbong mayor para sa May elections at vice mayor naman ang tinatakbuhan ni Rama.

Kasama ng dalawa ang mga kandidato nila sa pagka-konsehal kasama ang dating PBA player na si Donaldo Hontiveros, Gayundin ang aktor na si Richard Yap na tuamtakbo namang kongresista para sa North District ng Cebu City.

Samantala, sa Argao, Cebu isinagawa ang campaign kickoff ng One Cebu Party na pinangunahan ni Cebu 3rd Dist. Rep. at gubernatorial candidate Gwendolyn Garcia.

Dumalo din sa campaign kickoff ng partido si dating Senador Bong Revilla.

Matapos ang misa sa Argao, magsasagawa ng caravan sa iba’t iba pang bahagi ng Cebu ang One Cebu Party.

Samantala, inumpisahan na tin nina Cebu Vice Gov. Agnes Magpale at Gov. Hilario Davide III ang kanilang kampanya sa Danao City.

Si Magpale ang tumatakbong gobernador at bise gobernador naman niya si Davide.

Dumalo ang dalawa kasama ang mga miyembro at tagasuporta ng Barug Alang sa Kauswagan ug Demokrasya (Bakud) sa isang misa sa the Santo Tomas de Villanueva Parish sa Danao City.

TAGS: campaign kickoff, cebu, elections, Radyo Inquirer, campaign kickoff, cebu, elections, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.