Opening Salvo ng Team Kausaban sa Baybay, Leyte dinagsa ng supporters

By Ricky Brozas March 29, 2019 - 10:36 AM

Radyo Inquirer Photo
Inumpisahan ng mag-asawang Atty. Levito Baligod at Malot Galenzoga-Baligod ang unang araw ng kampanya para sa mga tumatakbo sa Local positions sa pamamagitan ng banal na misa sa Plaridel Church sa Brgy. Plaridel, Baybay,Leyte.

Si Atty. Levi ay tumatakbo sa pagka-alkalde habang si Malot Galenzoga-Baligod naman ay bilang kongresista sa ika-5 distrito ng Leyte. Sila ang mga lokal na pambato ng Hugpong ng Pagbabago.

Ayon kay Atty. Levi, naka-angkla ang kanilang kampanya para sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga Baybayanon.

Malinis na pamamahala at ligtas sa korapsiyon ang aniya’y unang hakbang para sa paglago ng kabuhayan ng mga residente ng Baybay.

Nagpasalamat naman si Malot sa kapuna-punang pagdami ng kanilang supporters na ang karamihan ay boluntaryong sumama sa kanilang partido.

Mula Plaridel church ay nag-motorcade ang Team kausaban patungong City Proper ng Baybay.

Kulay asul ang namutiktik sa kampanya ng Team Kausaban bilang kanilang trade color.

TAGS: Baybay City, levi baligod, leyte, local campaign, Local elections, midterm elections, Baybay City, levi baligod, leyte, local campaign, Local elections, midterm elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.