Mahigit 500 aksidenteng kinasasangkutan ng motorsiklo, natugunan ng Red Cross sa nakalipas na 3-buwan
Sa loob lamang ng nakalipas na halos 3-buwan umabot sa 523 na mga aksidente ang tinugunan ng mga tauhan ng Philippine Red Cross.
Ang lahat ng aksidenteng ito ay kinasasangkutan ng motorisklo.
Ayon kay Red Cross Chairman, Senator Richard Gordon na siyang author ng Motorcycle Crime Prevention Law, mula January 1, 2019 hanggang March 28, 2019, rumesponde ang mga tauhan ng PRC sa 523 na motorcycle-related accidents.
Nagbigay aniya ng first aid ang red cross sa mga nasugatan sa nasabing aksidente at tumulong para maihatid ang mga ito sa ospital.
Ito ang dahilan ayon kay Gordon kaya mahalagang paigtingin ang batas sa paggamit ng motorsiklo.
Sa ngayon inilalatag na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa nasabing batas.
Ani Gordon, dapat ding tandaan ng mga ahensya ng gobyerno na sangkot sa pagbuo ng IRR na ang pangunahing layunin ng batas ay ang maiwasan ang mga riding-in-tandem killings at iba pang krimen sangkot ang motorcycle riders.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.