LOOK: Kampanya ng mga kandidato sa Metro Manila umarangkada na
Maagang umarangkada ang kampanya ng mga lokal na kandidato sa Metro Manila.
Sa Maynila, magkasunod na dumalo sa isang misa sa Sto. Nino de Tondo Parish Church sina Mayoralty Candidate Isko Moreno at Alfredo Lim.
Alas 6:00 ng umaga ang misang dinaluhan ni Moreno habang alas 8:00 naman si Lim.
Matapos ang misa, nag-motorcade si Moreno kasama ang running mate niyang si Honey Lacuna patungong Bustillos sa Maynila para sa kanilang proclamation rally.
Unang nagpaabiso naman ang tanggapan ni Mayor Erap Estrada na pangungunahan nito ang proclamation rally sa Onyx Street at Sagrade De Pamilya malapit sa Dagonoy Market.
Sa Makati City, ang kampanya ng mga lokal na kandidato ay sinalubong ng isang sunog sa mga bahay at establisyimento sa Barangay Bangkal.
Kapwa nagtungo sa lugar na nasunugan ang magkapatid na magkalaban sa pagka-Mayor na sina dating Makati Mayor Junjun Binay at incumbent Mayor Abby Binay.
Ngayong araw pangungunahan ni Mayor Abby ang proclamation rally ng mga kandidato ng “Team Performance” sa lungsod.
Magaganap ang rally sa kahabaan ng Lawton Avenue mula alas 3:00 ng hapon.
Dahil sa nasabing aktibidad, simula kahapon (Mar. 28) ng umaga ay isinara sa daloy ng traffic ang magkabilang panig ng Lawton Avenue mula sa Kalayaan Avenue hanggang sa JP Rizal at pabalik.
Sa Quezon City naman, mamayang gabi pa ang proclamation rally ng team ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte at gaganapin ito sa Brgy. Pasong Tamo.
Pero maagang dumalo si Belmonte at running mate niyang si Gian sa isang misa. Sinamahan sila nina dating House Speaker Sonny Belmonte at Senate Pres. Tito Sotto III.
Sa Taguig naman, nagdaos na ng interfaith rally ang mga lokal na kandidato ng Team Cayetano sa New Lower Bicutan.
Kabilang sa mga dumalo ay sina Lino Cayetano at Ading Cruz na magka-tandem para sa pagka-mayor at vice mayor. At mag-asawang sina Alan at Lani Cayetano na kapwa tumaktabong kongresista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.