Bangkay ng lalaki natagpuan sa Cavite

Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa isang damuhan sa gilid ng kalsada sa EPZA Diversion Road, Brgy. Putol, Kawit, Cavite.

Ayon sa SOCO, anim na putok ng baril ang narinig ng mga residente pasado alas-8:00 ng gabi.

Makalipas ang ilang minuto ay natagpuan na ang bangkay ng biktima na hanggang sa ngayon ay inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Suot ng lalaki ang puting t-shirt, itim na shorts, may blonde na buhok at tinatayang nasa 25 hanggang 35 taong gulang ito.

Nagtamo ng tama ng mga bala ang biktima sa itaas na bahagi ng kanyang katawan.

Narekober din ng SOCO ang misfired na bala ng isang kalibre .45 na baril at bala ng isang 9mm sa pinangyarihan ng krimen.

Sa ngayon ay nasa isang punerarya sa Bacoor ang bangkay habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pamamaril.

Read more...