3 arestado sa buy bust operation sa Quezon City

Timbog ang isang mag-asawa at kanilang kasamahan sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Socorro, Quezon City.

Ayon kay Sr. Insp. Ramon Aquiatan ng Station 7 ng QCPD, si alyas ‘Jojo’ na supplier ng droga sa mga jeepney drivers sa lugar ang target ng kanilang operasyon.

Positibong nakabili ang poseur buyer ng P500 halaga ng shabu mula kay Jojo  dahilan para arestuhin ito.

Inaresto rin ang asawa ni Jojo at kanilang isang kasamahan.

Sinabi pa ni Aquiatan na dati nang nakulong ang tatlo dahil pa rin sa iligal na droga.

Depensa ng mga suspek, nagbagong buhay na sila at hindi na muli pang gumamit ng bawal na gamot.

Nakuha mula sa mga ito ang 33 sachet ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ngayon ang tatlo sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...