Ogie Diaz sa anak: ‘Di baleng walang awards o honors basta mabuti kang tao’

By Rhommel Balasbas March 29, 2019 - 04:06 AM

Ogie Diaz photo

Ipinahayag ng showbiz personality na si Ogie Diaz ang kanyang pagmamahal sa anak na si Erin kahit hindi man ito nakakuha ng awards sa Moving Up day nito.

Kwento ni Diaz sa kanyang post na halos 260,000 na ang reactions at may 86,000 shares, umiyak si Erin dahil wala itong nakuhang kahit anong parangal.

Pero agad na pinakalma ni Diaz ang anak at sinabing ayos lamang kahit wala itong award basta’t ginawa nito ang lahat ng kanyang makakaya.

Giit ni Diaz sa kanyang post, ang tunay na laban ng buhay ay nasa labas ng paaralan at mas mahalaga ang abilidad at diskarte na hindi natutunan sa silid-aralan.

Anya, hindi baleng walang academic awards ang kanyang mga anak basta’t hindi magiging sakit ng ulo ng lipunan at magiging mabuting tao ang mga ito, ay masaya na sila ng kanyang asawa.

Tinanong din ni Diaz ang kanyang anak kung nais lamang ba nitong tapusin ang Senior High School at ayos lamang na hindi ito tutuloy ng kolehiyo sa kondisyong kukuha ito ng limang crash courses para tumbukin kung ano ang landas na gusto niyang tahakin.

Gusto umano ni Diaz na gawin ng anak ang ikasasaya nito kasabay ng pagkakaroon ng kita.

Pero sagot umano ni Erin sa kanya ay tutuloy ito ng kolehiyo na kanya namang susuportahan nang buong-buo.

TAGS: academic awards, awards, crash courses, Erin, mabuting tao, Moving up, Ogie Diaz, parangal, Senior High School., academic awards, awards, crash courses, Erin, mabuting tao, Moving up, Ogie Diaz, parangal, Senior High School.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.