Binatilyo umamin sa paggahasa at pagpatay sa 5 anyos na babae sa Cavite

By Len Montaño March 29, 2019 - 03:57 AM

Inireklamo ang isang 16 anyos na lalaki sa Cavite Provincial Prosecutor’s Office kaugnay ng paggahasa at pagpatay sa isang 5 anyos na batang babae sa bayan ng Naic.

Ayon sa otoridad, umamin sa krimen ang menor de edad na suspek na hindi pinangalanan.

Kinumpirma ni Provincial Prosecutor’s Office Administrator Ava Geronimo na kinasuhan ng Naic Police ang binatilyo ng rape with homicide.

Ayon kay Naic Police chief Janet Arinabo, isinilid sa plastic laundry bag ang katawan ng batang biktima at nakita ang bangkay ng mga opisyal ng barangay at mga pulis sa ikalawang palapag ng bakanteng bahay.

Ang bata ay walang saplot pang-ibaba at sinabi ng mga pulis na ito ay ginahasa.

Sumuko umano ang suspek dahil sa pangamba sa kanyang kaligtasan.

Nakatakdang iturn-over ang binatilyo sa Naic Social and Welfare Development Department.

TAGS: 16 anyos, 5 anyos, cavite, Cavite Provincial Prosecutor’s Office, ginahasa, isinilid sa plastic, Naic, pangamba sa buhay, pinatay, rape with murder, umamin, 16 anyos, 5 anyos, cavite, Cavite Provincial Prosecutor’s Office, ginahasa, isinilid sa plastic, Naic, pangamba sa buhay, pinatay, rape with murder, umamin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.