VIRAL: Lalaki, naglabas at naglaro ng ari sa loob ng jeep

By Rhommel Balasbas March 29, 2019 - 03:42 AM

Credit: Zie Arnos

Viral ngayon sa Facebook ang isang video na kuha noong March 20 kung saan makikita ang isang lalaki na nilalaro ang kanyang ari kaharap ang isang babaeng pasahero sa jeep.

Ayon sa biktima, nakasakay niya ang lalaki sa jeep na biyaheng Pulilan.

Nang tatlo na lamang silang pasahero kasama ang isa pang babae ay tingin umano nang tingin ang lalaki sa kanilang dalawa na tila may kinakamot.

Dito na bumulaga sa biktima ang ginagawang paglalaro ng lalaki sa ari nito na nakuhaan niya ng mga larawan at video.

Bago bumaba ang lalaki ay ginamitan siya ng pepper spray ng biktima.

Agad na ipinablotter ng babae sa Barangay Longos ang pangyayari at ibinigay ang kopya ng video at larawang kanyang nakuhaan.

Napag-alamang may isa pang nabiktima ang lalaki bandang alas-6:00 hanggang alas-7:00 ng umaga sa kaparehong araw.

Sa update ng biktima sa kanyang Facebook, nakilala na umano ang lalaking exhibitionist at nakatira ito sa Baliuag, Bulacan.

Samantala, hinimok ni Police Capt. Reginal Turla, deputy chief ng Pulilan Police ang mga biktima na magsampa ng kaso laban sa lalaki.

Hinikayat din ni Turla ang lalaki na kusang sumuko dahil tiyak umanong hahanapin ito ng mga pulis.

TAGS: ari, Bulacan, facebook, Jeep, lalaki, naglabas, naglaro, pepper spray, pulilan, Viral, ari, Bulacan, facebook, Jeep, lalaki, naglabas, naglaro, pepper spray, pulilan, Viral

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.