Magkapatid na Indian nationals patay sa aksidente sa Zamboanga

By Len Montaño March 29, 2019 - 03:17 AM

File photo

Nasawi ang dalawang Indian nationals sa aksidente sa lansangan sa highway sa Buenavista village sa Zamboanga City.

Kinilala ni Police Captain Shellamae Chang, spokesperson ng Zamboanga City Police ang mga biktima na sina Amardeep Singh, 33 anyos at nakababatang kapatid nito na si Minindal, 22 anyos.

Ayon kay Chang, binabagtas ng magkapatid ang highway sakay ng motorsiklo nang sumalpok sila sa isang Isuzu truck na minamaneho ni Raymond Dagalea Papas.

Nagtamo ang magkapatid na dayuhan ng matinding pinsala na dahilan ng agaran nilang kamatayan.

Naka-impound na ang dalawang sasakyan na sangkot sa aksidente at nakakulong na ang driver sa Police Station 2.

TAGS: aksidente, highway, Indian Nationals, magkapatid, motorsiklo, sumalpok, truck, Zamboanga City, zamboanga city police, aksidente, highway, Indian Nationals, magkapatid, motorsiklo, sumalpok, truck, Zamboanga City, zamboanga city police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.