Polish Gov’t, magbibigay kompensasyon sa mga mag-asawang magdaragdag ng anak

By Dona Dominguez-Cargullo December 02, 2015 - 10:31 AM

from winknews.com
from winknews.com

Magbibigay ng kompensasyon ang Polish Government sa mga mag-asawa sa Poland na magdaragdag ng bilang ng kanilang anak.

Ito ang nakasaad sa inaprubahang bagong family program sa nasabing bansa na layong matugunan ang patuloy na pagbaba ng birth rate.

Sa inaprubahang programa ni Prime Minister Beata Szydlo, bibigyan ng 500 zloyts o katumbas na 124 dollars ang pamilya sa bawat batang ipapanganak kasunod ng panganay.

Ang pinakamahihirap na pamilya ay makatatanggap din ng bonus para sa lahat ng kanilang mga anak.

Dadaan pa sa public debate ang programa bago aprubahan ng parliament. Pero inaasahang sa buwan ng Abril 2016 ay maipatutupad na ito.

Kukunin ang pondo para sa nasabing programa sa mga nakukulekta mula sa mga kaso ng VAT Tax evasion sa bansa at sa buwis na ibinabayad ng mga bagong bangko at supermarkets.

Una nang pinuna ng mga kritiko ang nasabing programa, dahil gagastos daw ang gobyerno ng Poland ng 22 billion zloyts para dito na maaring magresulta ng pagtaas ng budget deficit ng bansa.

TAGS: Polish Government to pay families to have more children, Polish Government to pay families to have more children

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.