Comelec: Mga kandidatong lumabag sa campaign rules sinampahan na ng kaso

Pormal nang nagsampa ng kaso sa mga korte ang Commission on Elections (Comelec) laban sa mga kandidatong lumabag sa campaign rules.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, plano pa ng poll body na magsampa ng isang kaso sa bawat rehiyon laban sa mga national candidates na lumalabag sa campaign regulations.

Nanawagan din si Jimenez sa mga opisyal ng gobyerno na maging non-partisan.

Ito ay may kaugnayan sa mga posters na may larawan ni Bong Go na nakapaskil sa mga ospital ng gobyerno.

Muli ring ipinanawagan Comelec sa mga kandidato na sumunod sa campaign rules lalo’t simula na ng local campaign period ngayong araw.

Read more...