8.3M foreign tourists target ng DOT ngayong 2019
Target ng gobyerno na makaengganyo ng 8.3 milyong turista sa bansa ngayong taon.
Sa muling pagdalo ng Department of Tourism (DOT) sa Moscow International Travel and Tourism Exhibition (MITT) 2019 sa Moscow, Russia, kumpyansa ang pamahalaan sa target na tourist arrivals ngayong taon.
Sinabi ni DOT assistant secretary Roberto Alabado III na ito ay dahil sa pagsusumikap ng gobyerno na maitaguyod ang turismo ng Pilipinas sa Russia at sa iba pang bansa.
Giiit ni Abalado, kung noong nakaraang taon ay 7.1 milyong turista ang dumayo na pinakamataas sa kasaysayan ay hindi hihinto ang kagawaran para maabot ang 8.3 milyong turista ngayong 2019.
Naniniwala naman ang tourism official na dapat pang mapalakas ang ugnayan ng mga sektor ng turismo ng Pilipinas at Russia.
Sa ngayon aniya ay nasa top 10 destinations ng mga Russians ang Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.