Pinoy MMA champ Folayang, dedepensahan ang titulo kontra Japanese fighter

ONE Championship photo

Dedepensahan ng kasalukuyang ONE lightweight world champion na si Eduard Folayang ang kanyang titulo laban kay Japanese fighter Shinya Aoki.

Magaganap ang sagupaan nina Folayang at Aoki sa main event ng ONE: A New Era sa Tokyo, Japan sa March 31.

Ito ang rematch ng dalawang fighters matapos ang una nilang laban noon 2016 kung saan ginulat ni Folayang ang buong mundo nang talunin nito si Aoki sa third round via TKO.

Noong 2017 ay nakuha ni Martin Nguyen ang titulo pero nabawi ito ni Folayang sa laban kay Amir Khan sa pamamagitan ng unanimous decision noong nakaraang Nobyembre.

Target ni Folayang ang convincing victory kaya nais nitong makuha ang atensyon ng Japanese crowd.

Tiniyak ng Pinoy champion na punong puno ng aksyon ang laban nila ni Aoki at hindi mawawala sa kanya ang titulo para maibalik niya ang belt sa Pilipinas.

Read more...