Pope Francis, nagpaliwanag kung bakit ayaw pahalikan ang suot na papal ring

By Len Montaño March 29, 2019 - 12:55 AM

Video screengrab

Nagpaliwanag si Pope Francis kung bakit ayaw niyang pahalikan ang suot niyang papal ring.

Ayon kay Vatican spokesman Alessandro Gisotti, nag-aalala ang Santo papa sa pagkalat ng mikrobyo dahil marami ang laging nakapila para siya ay batiin at halikan ang suot niyang singsing.

Pahayag ito ng Vatican matapos mag viral ang video ni Pope Francis na halatang umiiwas at inaalis ang kanyang kamay para hindi mahalikan ng tao ang papal ring.

Ilang kritiko ang nagsabi na isang pambabastos ang ginawa ng Santo Papa.

Tradisyon na anila ang paghalik sa papal ring at ang gawi ay bilang paggalang sa pinuno ng Simbahang Katolika.

Pero depensa ng Vatican, simple lamang ang dahilan ng Holy Father, ito ay ang hygiene at para hindi kumalat ang germs.

TAGS: Alessandro Gisotti, germs, hygiene, mikrobyo, nagpaliwanag, Papal Ring, pope francis, Santo Papa, Vatican, viral video, Alessandro Gisotti, germs, hygiene, mikrobyo, nagpaliwanag, Papal Ring, pope francis, Santo Papa, Vatican, viral video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.