Kampanya ng mga lokal na kandidato, simula na ngayong araw

By Len Montaño March 29, 2019 - 04:45 AM

File photo

Simula na ngayong araw ng Biyernes March 29 ang kampanya ng mga kandidato sa lokal na posisyon para sa eleksyon sa Mayo.

Pero bago nito ay pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga lokal na kandidato na maging considerate at panatilihing malinis ang kampanya simula sa paglalagay ng kanilang campaign posters.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, ngayong simula na ang kampanya ay dapat wala na ang campaign materials na inilagay sa pre-campaign period.

Dahil simula na ang local campaign period, ang mga hindi natanggal na posters ay maituturing na paglabag sa batas kaya pwedeng makasuhan ang kandidato.

Talamak ang iligal na paglalagay ng mga posters ng mga kandidato bago ang kampanya pero batay sa batas, sa campaign period lamang maaaring maparusahan ang kandidato.

Base sa Comelec rules, sa common areas o private properties lamang pwedeng maglagay ng mga poster na ang sukat ay dapat na 3 feet by 2 feet.

Samantala, sinabihan ng ahensya ang mga incumbent government officials na target ang reelection na tanggalin ang kanilang mga pangalan at larawan sa mga property ng pamahalaan gaya ng ambulansya at ibang government vehicles.

Paalala pa ng Comelec sa mga lokal na kandidato, planuhin ang kanilang motorcades para hind maging dahilan ng trapik at mangampanya sa tamang oras para hindi makaperwisyo sa mga komunidad.

Hinimok naman ng poll body ang publiko na ireport ang mga campaign violations sa kanilang social media accounts.

TAGS: campaign materials, campaign violations, comelec, Comelec spokesman James Jimenez, kampanya, local campaign, lokal na kandidato, Motorcade, posters, simula na, campaign materials, campaign violations, comelec, Comelec spokesman James Jimenez, kampanya, local campaign, lokal na kandidato, Motorcade, posters, simula na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.