Magkapatid arestado sa buy bust sa Bohol

NBI-Bohol photo

Timbog ang magkapatid sa ginawang buy bust operation ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Bohol dahil sa pagtutulak ng droga.

Ayon sa NBI-Bohol, inaresto si Joseph Carlo Aguaviva, 28 anyos na target ng operasyon at ang kuya nito na si Jan Ruel, 31 anyos, dahil sa pagbebenta ng droga.

Dawit sa asunto ang girlfriend ni Jan Ruel na si Cristina Limetares, 30 anyos, na siyang nagbigay ng sachet ng shabu sa undercover agent habang ang magkapatid ay nasa loob ng kanilang bahay sa Purok 4, Barangay Manga, Tagbilaran City.

Narekober sa mga suspek ang 12 sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P90,000.

Noong 2018 ay nakulong na si Joseph Carlo dahil din sa kasong droga pero nakalaya dahil sa plea bargaining agreement.

Iniimbestigahan ng otoridad ang sinabi ng mga suspek na kinukuha nila ang supply ng droga sa Bohol District Jail.

Read more...