Datos ng DA at NDRRMC sa halaga ng pinsala ng tagtuyot, magkaiba

By Len Montaño March 28, 2019 - 11:23 PM

Magkaiba ang datos na inilabas ng Department of Agriculture at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaugnay ng halaga ng pinsala ng tagtuyot sa agrikultura sa bansa.

Ayon sa NDRRMC, nasa P2.6 bilyon ang pinsala sa agrikultura dahil sa tuyong mga lupain batay sa impormasyon mula sa mga lalawigan at ilang bahagi ng Metro Manila.

Ayon naman kay Agriculture Sec. Manny Piñol, sinusuri pa nila ang mga datos mula sa mga lokal na pamahalaan.

Pero sa kanilang kwenta, nasa P1.3 bilyon lamang ang halaga ng pinsala.

Posible anyang pinalaki ng mga LGU ang halaga para maka-kickback umano sa calamity fund at magamit ang pera sa eleksyon.

Dahil sa election period ay hindi na pwedeng maglabas ng pondo ang mga lokal na pamahalaan pero depende kung kailangan ito sa kalamidad.

Sa ngayon ay aayusin umano ng dalawang ahensya ang hindi tugmang datos bago mag-ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS: Agriculture Sec. Manny Piñol, datos, Department of Agriculture, LGU, magkaiba, NDRRMC, P1.3 bilyon, P2.6 bilyon, pinsala, tagtuyot, Agriculture Sec. Manny Piñol, datos, Department of Agriculture, LGU, magkaiba, NDRRMC, P1.3 bilyon, P2.6 bilyon, pinsala, tagtuyot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.