Lacson kinuwestyon ang timing at motibo ng expose ni Acierto ukol kay Yang

By Len Montaño March 28, 2019 - 10:46 PM

Bakit tumagal ng 15 taon bago ibinunyag ng sinibak na police official na si Eduardo Acierto ang umanoy pagkasangkot sa droga ng dating economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang?

Tanong ito ni Sen. Panfilo Lacson kaugnay ng timing at motibo ng akusasyon ni Acierto laban kay Yang.

“Yung pag-a-accuse ngayon at saka yung dokumento, parang suspect na yun e dahil ano ang motive?” pahayag ng Senador sa Kapihan sa Senado.

Ayon kay Lacson, mayroong pagkakataon si Acierto na ilabas ang intelligence report na nagpapakita ng umanoy link ni Yang sa droga sa Senate blue ribbon committee na nag-imbestiga ng P11 bilyong shabu shipment noong nakaraang taon pero hindi ito ginawa ng dating police official.

“Bakit hindi niya ginawa? Bakit ngayon siya lumabas? Nagtataka nga rin ako. OK, nagtatago siya, pero ano motive niya in coming out and accusing President Rodrigo Duterte with a document that he already showed to several officials?” ani Lacson.

Dalawang beses na dumalo si Acierto sa imbestigasyon ng Senado bago ito nagtago.

Nang makipag-kita anya sa kanya si Acierto ay sinabi umano nito na lumutang ang pangalan ni Yang nang nagsagawa sila ng anti-illegal drugs operation sa Davao noong 2004.

Sinabihan umano ni Lacson si Acierto na kung ang dating pulis ang nag-operate ay bakit hindi nila kinasuhan si Yang.

Bagamat hindi masabi ng Senador kung may halong pulitika ang alegasyon ni Acierto, binanggit nito na karamihan ng humihiling na imbestigahan ang isyu ay mula sa oposisyon o mga miyembro ng Liberal Party.

TAGS: dating economic adviser, Eduardo Acierto, expose, Michael Yang, motibo, sangkot sa droga, senate blue ribbon committee, Senator Panfilo Lacson, shabu shipment, timing, dating economic adviser, Eduardo Acierto, expose, Michael Yang, motibo, sangkot sa droga, senate blue ribbon committee, Senator Panfilo Lacson, shabu shipment, timing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.