LTO: Wala pang desisyon sa materyales para sa doble plaka

By Len Montaño March 28, 2019 - 10:22 PM

Nilinaw ng Land Transportation Office (LTO) na wala pa silang desisyon ukol sa gagamiting materyales para sa doble plaka.

Ayon sa LTO walang nakasaad sa doble plaka law na bakal ang gagamiting materyales.

Paglilinaw ito ng ahensya matapos pumalag ang ilang grupo sa Republic Act No. 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act.

Nakasaad sa bagong batas na mas malaking plaka ang gagamitin sa motorsiklo at dapat na nakikita ito mula 15 metro.

Pero sinabi ni LTO chief Edgar Galvante na walang probisyon sa batas na nagsasabi kung ano ang disensyo o materyales na gagamitin sa plaka.

Kasalukuyan pa anyang pinag-aaralan kung ano ang gagamitin sa paggawa ng plaka na sa ilalim ng bagong batas ay dapat na nakalagay sa unahan at likurang bahagi ng motorsiklo.

TAGS: 15 metro, bakal, disenyo, doble plaka, Edgar Galvante, lto, materyales, Motorcycle Crime Prevention Act, motorsiklo, nilinaw, 15 metro, bakal, disenyo, doble plaka, Edgar Galvante, lto, materyales, Motorcycle Crime Prevention Act, motorsiklo, nilinaw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.