15 pulis na lumaban sa pag-atake ng NPA sa Northern Samar, gagawaran ng medalya – DILG

By Angellic Jordan March 28, 2019 - 08:14 PM

Makatatanggap ng pagkilala mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga pulis na lumaban sa pag-atake ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa isang istasyon ng pulisya sa Victoria, Northern Samar.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año, ginampanan ng mga pulis ang kanilang tungkulin at napatumba ang mga rebelde sa kabila ng kakaunting bilang sa kanilang hanay.

Maituturing aniya itong accomplishment na dapat maging basehan sa lahat ng istasyon ng pulisya sa bansa.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, ipinag-utos ni Año sa Philippine National Police (PNP) ang pagbibigay ng medya sa mga lumaban na pulis.

Kasunod ng pag-atake, inatasan din ni Año ang PNP na makipagtulungan sa militar para sa mas mahigpit na operasyon laban sa mga rebeldeng grupo sa bansa.

TAGS: DILG, northern samar, Sec. Eduardo Año, DILG, northern samar, Sec. Eduardo Año

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.