Malakanyang, may bwelta kay De Lima ukol sa pahayag na malaking krisis sa bansa si Duterte

Mismong si Senadora Leila De Lima ang nakararanas ng malaking krisis sa buhay.

Bwelta ito ng Palasyo ng Malakanyang sa birthday wish ni De Lima kay Pangulong Rodrigo Duterte na malaking krisis sa bansa ang Punong Ehekutibo.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, matagal nang nakakulong si De Lima.

Dagdag pa nito, base sa pag-aaral ng mga psychiatrist, ang matagal na pagkakakulong ay nagdudulot ng halusinasyon.

Nakaaapekto aniya sa pakiramdam ng isang tao ang matagal na pagkakakulong.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na kanyang ipapanalangin na lamang si De Lima.

Read more...