2 umano’y NPA member, patay sa engkwentro sa Compostela Valley

By Angellic Jordan March 28, 2019 - 07:48 PM

Napatay ang dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bakbakan sa Mabini, Compostela Valley Huwebes ng umaga.

Ayon kay 1st Lt. Jhocell Asis, tagapagsalita ng 71st Infantry Battalion, nahuli ng mga tropa ng pamahalaan ang isang umano’y rebelde kasama ang ilang armas at improvised bomb sa Barangay Anitapan bandang 1:30 ng madaling-araw.

Nagsasagawa aniya ang combat operation ang militar matapos makatanggap ng ulat mula sa mga residente na plano umano ng ilang miyembro ng NPA na magdiwang ng kanilang ika-50 anibersaryo sa bisinidad ng Anitapan.

Tumagal ng limang minuto ang palitan ng putok ng baril ng dalawang panig.

Dinala naman ang nahuling NPA member sa Mabini police para sa pagsasampa ng kasong kriminal laban dito.

TAGS: 71st Infantry Battalion, compostela valley, NPA, 71st Infantry Battalion, compostela valley, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.