P4.8M halaga ng shabu nakuha sa Angeles City, Pampanga

By Angellic Jordan March 28, 2019 - 07:25 PM

Hindi bababa sa P4.8 milyong halaga ng shabu ang nakuha mula sa isang babae sa ikinasang buy-bust operation sa Angeles City, Pampanga Huwebes ng umaga.

Ayon kay Angeles City police director Col. Narvin Mangune, nakuha ang mga kontrabando sa suspek na si Mary Anne Buntas Dedic, 35-anyos.

Si Dedic ay kabilang sa drugs watchlist ng pulisya.

Naaresto ang suspek sa loob ng kaniyang bahay sa bahagi ng Barangay Balibago dakong 11:30 ng umaga.

Nakabili ang isang pulis na nagsilbing poseur-buyer ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P1 milyon.

Nakuha naman ang iba pang kontrabando sa loob ng bahay ng suspek.

TAGS: Angeles City Police, Mary Anne Buntas Dedic, shabu, Angeles City Police, Mary Anne Buntas Dedic, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.