Panukalang ilibre ang senior citizens at PWDs sa travel tax, lusot na sa komite sa Kamara

By Erwin Aguilon March 28, 2019 - 06:33 PM

Inaprubahan na ng House Committee on Tourism ang panukalang batas na gawing libre sa pagbabayad ng travel tax ang mga senior citizen at Person with Disability o PWD.

Sa ilalim ng House Bill 7964 o “Tax-Free Travel for Senior Citizens and PWDs (persons with disabilities) Act,” nakasaad na minsan ang senior citizens at PWDs ay kinakailangang magpagamot sa ibang bansa at malaking tulong para sa kanila na malibre sa pagbabayad ng travel tax para sa mas accessible na overseas travel.

Marapat lamang ayon sa may-akda ng panukala na maibigay din ng estado ang kinakailangang tulong sa mga senior citizen at WD na karaniwang umaasa lamang sa pensyon o sa kita ng pamilya.

Una rito, ipasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang magbibigay ng 20% discount sa travel tax para sa senior citizens at PWDs.

Sa ilalim ng Presidential Decree 1183, aabot sa P1,620 ang full travel tax para sa economy class, P2,700 full travel tax sa mga first class passengers habang P1,350 at P810 naman ang standard reduce rate samantalang P400 at P300 naman ang Privileged Reduced Tax para sa mga OFW dependents.

TAGS: House Bill 7964, Kamara, travel tax, House Bill 7964, Kamara, travel tax

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.