Birthday wish ni Duterte, peace at prosperity

By Chona Yu March 28, 2019 - 03:48 PM

Kapayapaan at kaunlaran.

Ito ang birthday wish ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-74 na kaarawan matapos kantahan ng kanyang staff at regaluhan ng cake sa isang restaurant sa Davao City.

Ayon sa pangulo, napakagulo ngayon at maraming problemang kinakaharap ang mundo.

Hangad ng pangulo, hindi sana madamay ang bansa sa anumang gulo.

Hangad din ng pangulo ang kaayusan ng bayan.

“It’s a very topsy [turvy] world…My wish is that we will just continue to progress and prosper. Hindi tayo kasali diyan sa mga gulo-gulo sa ibang bayan. I wish you all happiness,” pahayag ng Punong Ehekutibo.

Ayon sa pangulo, pagkatapos ng selebrasyon, nais niyang manatili lamang sa bahay at matulog.

Nangako rin ang pangulo na kanyang ibo-blow out sa susunod na linggo ang kanytang mga staff.

TAGS: birthday wish, duterte, Peace and Prosperity, birthday wish, duterte, Peace and Prosperity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.