China, magbibigay ng panibagong military aid sa Pilipinas
Nangako ang China na magbibigay ng P1 bilyong halaga ng panibagong batch ng military aid sa Pilipinas.
Sa handover ceremony ng engineering equipment mula sa China, sinabi ni Defense Undersecretary Cardozo Luna na nagkaroon ng signing ceremony ukol sa bagong military aid sa isinagawang bilateral meeting kasama si Maj. Gen. Ci Guowei, hepe ng Office for International Military Cooperation sa Ministry of National Defense of China noong January 25.
Aabot sa RMB130 million o katumbas ng P1 bilyon para suportahan ang mga kagamitan ng Pilipinas.
Kabilang dito ang deployable bridge, water desalination, water purifying equiment at ground-penetrating radar systems.
Ayon kay Luna, makatutulong ang deployable bridge para sa relief at rescue operations na ikinakasan tuwing kalamidad.
Samantala, ang ground-penetrating radar systems ay layong makahanap ng mga unexploded bombs sa Marawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.