Isang negosyante mula Tacloban City, nahaharap sa reklamong kriminal

By Ricky Brozas March 28, 2019 - 03:32 PM

Ipinagharap ng reklamong kriminal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ang isang negosyante mula sa Tacloban City na nahulihan ng mga sigarilyo na mayroong pekeng tax stamps na nagkakahalaga ng mahigit P354 milyon.

Mga reklamong Unlawful Possession of Articles Subject to Excise Tax without Payment of the Tax at Possessing False, Counterfeit, Restored or Altered Stamp sa ilalim ng Tax Code ang isinampa ng BIR laban kay James Laplana Sy.

Ang negosyante ang sole proprietor ng CMS Enterprises na may address sa Tacloban City, Leyte at may pitong iba pang branches sa Tacloban at Maasin City.

Ang kaso ay nag-ugat sa pagsalakay ng National Bureau of Investigation-Eastern Visayas noong 2018 sa tatlong warehouse at apartment ni Sy sa Ormoc City.

Nadiskubre ng NBI ang iba’t ibang kahon ng sigarilyo na nakalagay sa loob ng mga kahon na may kasamang electric fan at microwave labels.

Matapos ang isinagawang beripikasyon, nakumpirmang peke ang internal revenue stamps sa mga pakete ng sigarilyo.

Umaabot sa 2,026 master cases na naglalaman ng iba’t ibang sigarilyo na may fake stamps ang kinumpiska mula kay Sy.

Ayon sa BIR, ito na ang pinakamalaking halaga ng mga sigarilyong may pekeng tax stamps na nakumpiska ng otoridad para sa taong 2018.

Kabuuang P354.55 milyon ang hinahabol na buwis ng BIR sa negosyante.

TAGS: kriminal, negosyante, pekeng tax stamps, tacloban, kriminal, negosyante, pekeng tax stamps, tacloban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.