Hatol ng korte, ia-apela ng kampo ni Pemberton
Maghahain ng apela ang kampo ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa naging hatol ng Olongapo Regional Trial Court Branch 74.
Ayon kay Atty. Benjamin Tolosa, isa sa mga abogado ni Pemberton mayroon silang 15-araw upang ihain ang apela sa Court of Appeals.
Sinabi ni Tolosa na hindi dapat nahatulan sa kasong homicide ang sundalong Amerikano.
Nanindigan si Tolosa na hindi si Pemberton ang pumatay kay Jennifer Laude kaya dapat itong mapawalang-sala.
Sa naging desisyon ni Judge Roline Ginez-Jabalde hindi napatunayang murder ang kaso sa sundalong kano dahil sa kawalan ng alinman sa tatlong aggravating circumstance na treachery, abuse of superior strength at cruelty.
Matapos mahatulan ay dinala si Pemberton sa custodial center ng Armed Forces of the Philippines sa Camp Aguinaldo para doon pansamantala mabilanggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.