LOOK: Pia Wurtzbach, ipinasilip ang kaniyang Madame Tussauds wax figure

Sa unang pagkakataon, nakita na ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang kaniyang sariling Madame Tussauds wax figure.

Gamit ang kaniyang Instagram account, ipinasilip ni Pia ang wax figure matapos mag-post ng larawan kung saan tila sinusuotan siya ng korona nito.

Ang 29-anyos na beauty queen ang kauna-unahang Filipino na nagkaroon ng wax statue sa Madame Tussauds.

Sinabi ni Pia na excited na siyang ipakita sa publiko ang wax figure sa SM Mega Fashion Hall sa Mandaluyong City sa Biyernes, March 29.

Nakatakda ring i-display ang wax figure ni Pia sa Madame Tussauds Hong Kong kasama ang wax statues nina Jackie Chan, Johnny Depp, Benedict Cumberbatch at iba pa.

 

Read more...