17 estudyante sa Cotabato, nabiktima ng food poisoning
Hindi bababa sa 17 estudyante ang nabiktima ng food poisoning sa Mlang, Cotabato.
Ayon kay Mlang Vice Mayor Joselito Piñol, nakaranas ang mga mag-aaral ng Palma Perez Elementary School ng pananakit ng tiyan, pagsusukat at pagdudumi ilang minuto matapos kainin ang pagkain sa kanilang 3-day summer peace camp.
Ipinakain aniya sa mga bata ang natirang pagkain noong umagahan dahil nahuli ang pagkain para sa hapunan.
Dahil dito, dinala ang mga estudyante sa ospital. 14 sa mga bata ay nakalabas na ng ospital habang ang tatlong iba pa ay patuloy na minomonitor ng mga doktor.
Ipinag-utos naman ni Piñol sa mga health official ng Mlang na bantayan ang kondisyon ng tatlong mag-aaral na naiwan sa ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.