Brgy. kagawad patay sa shootout sa Sampaloc, Maynila

Inquirer file photo

Patay ang isang Barangay kagawad makaraang mauwi sa shootout ang operasyon ng mga otordad sa Sampaloc, Maynila Huwebes ng umaga.

Ayon sa ulat ng pulisya, sa bisa ng search warrant, nagkasa ng operasyon ang Regional Drug Enforcement Unit-National Capital Region Police Office (RDEU-NCRPO) at Manila Police Distrist-Police Station 4 katuwang ang PDEA NCR Regional Office sa bahay ng suspek na Ronnie Labongray Jr. sa bahagi ng Zone 55, Barangay 561.

Inilabas ng search warrant laban kay Labongray ni Judge Marivic Balisi-Umali ng Manila Regional Trial Court Branch 20.

Nagtamo ng tama ng bala si Labongray at agad itinakbo sa Ospital ng Sampaloc ngunit idineklarang dead-on-arrival.

Nakuha mula sa suspek ang ilang pakete ng shabu na may bigat na 150 gramo at may street value na P1,020,000.

Maliban dito, narekober din mula sa suspek ang isang caliber .45 pistol na kargado ng limang bala.

Read more...