Isang dayuhan, natagpuang patay sa isang condo sa Taguig

By Angellic Jordan March 28, 2019 - 02:37 PM

Natagpuang walang buhay ang isang dayuhan sa condominium sa Bonifacio Global City, Taguig Miyerkules ng gabi.

Ayon sa pulisya, narekober ang katawan ng hindi pa nakikilalang lalaking dayuhan sa isang garden ng condominium dakong 11:50 ng gabi.

Isinalarawan ng pulisya ang biktima na may maputing balat at posibleng nasa edad 35 hanggang 40.

Base sa inisyal na imbestigasyon, posibleng nahulog ang biktima sa condominium building.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon para alamin ang pagkakakilanlan ng biktima at ang sanhi ng pagkamatay nito.

TAGS: BGC, Condo, dayuhan, patay, taguig, BGC, Condo, dayuhan, patay, taguig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.