Pagkakasama sa drug watchlist ng 31 na mga artista breakthrough sa war on drugs – Rep. Nograles
Tinawag na breakthrough sa war on drugs ng administrasyong Duterte ni PBA Party-list Rep. Jericho Nograles m ang pagkakasama ng tatlumpu’t isang celebrities sa watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Ayon kay Nograles, hindi dapat magbulag-bulagan dahil noon pa man ay marami nang artista ang sangkot sa ilegal na droga subalit idinadaan lamang sa tsismis o blind item.
Ito lamang aniya ang immediate effort ng gobyerno sa ngayon upang umapela sa mga celebrity, judge, prosecutor at iba pang personalidad na iwasan na ang paggamit o pagtutulak ng droga.
Suportado rin ni Nograles ang pagsasapubliko sa naturang listahan na para sa kanya ay hindi paglabag sa karapatang pantao dahil sa kakulangan ng ngipin ng batas at mahinang justice system.
aminado namam ang kongresista na mahihirapan ang mga awtoridad na isailalim sa drug testing ang mga artista lalo’t boluntaryo lamang ito hangga’t hindi sila nahuhuli sa akto.
Bukod pa rito ay maaaari aniyang labagin nito ang rules of evidence at ang tinatawag na ‘innocent until proven guilty’.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.