Michael de Mesa direktor na ng FPJ’s Ang Probinsyano’

By Dona Dominguez-Cargullo March 28, 2019 - 11:41 AM

IG Photo
Maliban sa pagiging bahagi ng casts ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, direktor na rin ng nasabing treleserye si Michael De Mesa.

Sa kanyang Instagram ibinahagi ng aktor ang larawan habang nagdi-direk ng bahagi ng teleserye.

Sinabi ni De Mesa na malaking karangalan na siya ay maging direktor ng “Ang Probinsyano’ na nag-umpisa kagabi at hanggang sa mga darating na mga araw.

Makakasama niya ang iba pang direktor ng teleserye na sina Malu Sevilla, Enzo Williams, at Coco Martin na ginagamit ang tunay niyang pangalan na Rodel Nacianceno.

Nananatili rin ang pagganap ni De Mesa bilang bahagi ng grupong Vendetta na pinamumunuan ni Cardo Dalisay.

TAGS: ABS-CBN, Coco Martin, director, FPJ's Ang Probinsyano, Michael De Mesa, teleserye, ABS-CBN, Coco Martin, director, FPJ's Ang Probinsyano, Michael De Mesa, teleserye

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.