Apat pang kongresista kasama sa narco-list ng PDEA
Apat pang kongresista ang kasama sa listahan ng narco-politicians ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na kasama ang apat sa nasa 20 hanggang 25 pang natitirang pulitiko na nasa narco-list nila.
Ang nasabing mga pulitiko ay hindi kasama sa mahigit 40 na naunang inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil patuloy pa ang validation process sa mga ito.
Sa ngayon, sinabi ni Aquino na pina-prayoridad na ng PDEA ang validation sa nalalabi pang mga pulitiko para maihabol ang pagsasapubliko ng mga ito.
Umaasa si Aquino na matatapos ang validation at maisasapubliko ang nalalabi pang narco-politicians bago ang May 13 elections.
Magugunitang sa partial list na inilabas ng pangulo ay mayroo nang tatlong kongresista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.