3 sa 50 miyembro ng NPA na lumusob sa istasyon ng pulisya sa Northern Samar, patay sa sagupaan

By Dona Dominguez-Cargullo March 28, 2019 - 11:22 AM

Tatlong hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa pakikipagbakbakan sa mga pulis sa Northern Samar.

Nagsimula ang sagupaan nang lusubin umano ng hindi pa matukoy na dami ng bilang ng NPA ang Municipal Police Station sa bayan ng Victoria sa nasabing lalawigan.

Alas 3:20 ng umaga ng Huwebes, March 28, nang maganap ang sagupaan at ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Bernard Banac, matagumpay na naprotektahan ng mga pulis ang kanilang himpilan.

Ayon kay Banac, tumagal ng tatlong oras ang sagupaan, dahil tinangka talaga ng mga rebelde na pasukin ang istasyon ng pulisya.

Nasa 50 ang bilang ng mga sumalakay na NPA, at kahit mas kakaunti o 15 lang ang bilang ay naidepensa ng mga pulis ang kanilang hanay.

Maliban sa tatlong nasawi mayroon ding isa pang rebelde na nadakip, habang dalawang pulis naman ang sugatan.

Ayon kay Banac, nakikita nilang bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo ng NPA ang ginawa nilang pag-atake.

TAGS: Catbalogan, northern samar, NPA, Catbalogan, northern samar, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.