Bumibiyaheng modernized PUV umabot na sa 1,500 – DOTr

By Dona Dominguez-Cargullo March 28, 2019 - 10:34 AM

Mayroon nang 1,507 na pampublikong sasakyan na bahagi ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ang bumibiyahe na.

Sa datos ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa nasabing bilang, 1,025 ang PUJ o jeep, 99 ang bus at 383 ang UV express.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, batay sa datos ng ahensya mula nang simulan ang PUVMP noong July 2017 hanggang sa katapusan ng taong 2018, umabot na sa 129 ang bilang ng mga otorisadong ruta sa ilalim ng programa.

Layon ng PUVMP na gawing “rationalized” ang mga ruta ng mga pampublikong sasakyan upang matiyak na sapat lamang ang dami ng sasakyan sa commuter demand.

Sa 129 na aprubadong ruta sa buong bansa, 3,349 public utility vehicles ang otorisadong bumiyahe.
Mula sa kabuuang bilang ng authorized units, 1,507 na ang kasalukuyang operational.

TAGS: dotr, ltfrb, modernization program, modernized PUVs, dotr, ltfrb, modernization program, modernized PUVs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.