VIRAL: Pagtanggi ni Pope Francis na ipahalik ang kaniyang Pope ring, umaani ng batikos

By Dona Dominguez-Cargullo March 28, 2019 - 06:53 AM

Viral ngayon at umaani ng batikos ang video ni Pope Francis kung saan makikita ang pagtanggi nitong ipahalik ang Pope ring.

Kuha ang video sa Shrine of Loreto sa Italy noong march 25.

Makikitang hinahatak ng Santo Papa ang kaniyang kamay tuwing may matatangka sa mga nakapilang tao na halikan ang kaniyang singsing.

Ayon sa LifeSiteNews, ‘disturbing’ ang pangyayari.

May mga nagsabi ring kung ayaw ng Santo Papa na maging Vicar ni Hesukristo ay dapat na itong umalis sa pwesto.

Pero ilang tagsuporta ng Santo Papa ang nagpaliwanag at ipinagtanggol si Pope Francis sa isyu.

Ayon sa isang papal biographer, ayaw lamang ng Santo Papa na itrato siyang Roman emperor.

Sinabi naman ng Jesuit priest Russell Pollitt, na ang paghalik sa Papal ring ay ginaya o nakuha lamang sa monarkiya.

Hindi aniya ito bahagi ng tradisyon ng simbahan kaya dapat hindi ito ginagawa.

Wala pa namang inilalabas na opisyal na pahayag ang Vatican kaugnay sa usapin.

TAGS: Papal Ring, pope francis, Vatican, Papal Ring, pope francis, Vatican

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.