Lalaki, umaming ninakawan at ginilitan ang dalagitang pinsan sa Caloocan

By Len Montaño March 28, 2019 - 04:46 AM

Sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki na umaming ninakawan at ginilitan ang kanyang dalagitang pinsan sa Caloocan City noong Enero.

Inamin ni King Angelo Sese, 21 anyos na siya ang pumatay sa pinsan na si Myrrhaquel Singson.

Aminado rin ang suspek na siya rin ang nagnakaw sa dalawang cellphone ng biktima.

Ayon pa kay Sese, gumamit siya ng droga nang magawa niya ang krimen.

Dahil dito ay abswelto na ang tiyuhin ni Singson na si Reynaldo Urbano na unang inaresto dahil may kopya ito ng susi ng bahay ng biktima.

Sinampahan na ng NBI ng kasong homicide si Sese.

Pero dedesisyunan pa ng piskal kung pasok pa ang kaso sa bilang ng araw na pwedeng arestuhin ang suspek sa ilalim ng batas.

TAGS: caloocan, ginilitan, King Angelo Sese, Myrrhaquel Singson, naka droga, NBI, ninakawan, pinsan, Reynaldo Urbano, caloocan, ginilitan, King Angelo Sese, Myrrhaquel Singson, naka droga, NBI, ninakawan, pinsan, Reynaldo Urbano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.