Death penalty sa homosexual Muslims ipatutupad sa Brunei
Ipatutupad ng sultanate of Brunei sa susunod na linggo ang mas matinding batas laban sa mga Muslim na masasangkot sa adultery at gay sex.
Sa ilalim ng bagong penal code, ‘death by stoning’ ang parusa para sa mga Muslim na mapapatunayang guilty sa same-sex relations, adultery, sodomy at rape.
Iligal at may parusa ang homosexuality sa Brunei na hanggang 10 taong pagkakakulong pero dahil sa mas istriktong batas, ang naturang bansa ang kauna-unahan sa Asya na magpapatupad ng death penalty laban sa mga homosexual.
Samantala, may bago ring parusa para sa mga mapapatunayang nagnakaw kung saan puputulan ng kanang kamay sa first offense at kaliwang para sa second offense.
Ang bagong penal code ay epektibo na sa April 3, araw ng Miyerkules.
Agad na hinimok ng Amnesty International ang Brunei na ihinto ang pagpapatupad ng bagong mga parusa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.