Sa ngayon kasi ay lumang matrix pa ng pamasahe ang ginagamit ng mga driver at operator ng jeep kahit magkakasunod na ang oil price increase.
Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra, naiintindihan nila ang problema ng transport sector.
Dahil dito ay pinag-aaralan ng ahensya ang datos na pwedeng magamit para magkabuo ng flexible fare matrix.
Una rito ay iminungkahi ni Obet Martin ng Pasang Masda na ang pamasahe ay dapat ibase sa history ng taas presyo ng petrolyo at dagdag pamasahe sa jeep.
Panukala ng grupo, gawing P9 ang minimum na pamasahe sa jeep kapag ang presyo ng diesel ay P40 hanggang P42 kada litro; magiging P10 naman kapag P43 ang kada litro at P11 kapag naging P45 hanggang P46 ang presyo ng diesel.