LTFRB planong maglabas ng flexible fare matrix kasabay ng oil price hike

By Len Montaño March 28, 2019 - 04:26 AM

Ikinukunsidera ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na magpatupad ng flexible fare matrix na magtatakda kung magkano ang dagdag pamasahe sa gitna ng taas presyo ng produktong petrolyo.

Sa ngayon kasi ay lumang matrix pa ng pamasahe ang ginagamit ng mga driver at operator ng jeep kahit magkakasunod na ang oil price increase.

Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra, naiintindihan nila ang problema ng transport sector.

Dahil dito ay pinag-aaralan ng ahensya ang datos na pwedeng magamit para magkabuo ng flexible fare matrix.

Una rito ay iminungkahi ni Obet Martin ng Pasang Masda na ang pamasahe ay dapat ibase sa history ng taas presyo ng petrolyo at dagdag pamasahe sa jeep.

Panukala ng grupo, gawing P9 ang minimum na pamasahe sa jeep kapag ang presyo ng diesel ay P40 hanggang P42 kada litro; magiging P10 naman kapag P43 ang kada litro at P11 kapag naging P45 hanggang P46 ang presyo ng diesel.

TAGS: felixible fare matrix, LFTRB, Martin Delgra, Obet Martin, oil price hike, pamasahe sa jeep, PASANG MASDA, felixible fare matrix, LFTRB, Martin Delgra, Obet Martin, oil price hike, pamasahe sa jeep, PASANG MASDA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.