Pangulong Duterte ipinagdiriwang ang kanyang ika-74 na kaarawan ngayong araw

By Rhommel Balasbas March 28, 2019 - 04:11 AM

Ipinagdiriwang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ika-74 na kaarawan ngayong araw ng Huwebes, March 28.

Ipinanganak ng mag-asawang sina Soledad Roa at Vicente Duterte ang pangulo taong 1945 sa Maasin, Southern Leyte.

Sa isang talumpati sa Koronadal City, nauna nang sinabi ng pangulo na noon pa man ay hindi na siya nagdiriwang ng birthday kaya’t sa bahay lang siya ngayong araw mamamalagi at matutulog.

Sa nakalipas na dalawang taon ay hindi nagkaroon ng malaking birthday celebration si Duterte habang ang kanyang ika-71 kaarawan naman ay pumatak sa kalagitnaan ng presidential campaign.

Samantala, nagpaabot na ng pagbati ang anak ng pangulo na si Paolo Duterte sa pamamagitan ng social media.

Ipinahayag ng batang Duterte ang appreciation nito sa ama na anya’y kahit busy at walang tulog ay may panahon pa para sa kanyang pamilya.

Pinayuhan din ni Polong ang presidente na magpahinga at sila na anya ni Sara Duterte ang bahala sa mga kritiko nito.

Hiling ni Polong para sa punong ehekutibo ay magandang kalusugan upang maipagpatuloy nito ang serbisyo para sa bayan.

TAGS: Birthday, ika-74 kaarawan, magpahinga, matutulog, paolo duterte, Polong, Rodrigo Duterte, Sara Duterte, Birthday, ika-74 kaarawan, magpahinga, matutulog, paolo duterte, Polong, Rodrigo Duterte, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.