P1.5B halaga ng heavy equipment mula sa China natanggap na ng AFP
Natanggap na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang P1.5 bilyong halaga ng heavy equipment na binili mula sa China ng Department of National Defense (DND).
Ang pagbili sa mga kagamitan ay bahagi ng modernization program ng militar.
Kabilang sa mga equipment na natanggap ng AFP ay 16 units ng 24-ton wheeled telescopic cranes, 20 medium bulldozers, 29 medium graders, 44 medium loaders, 22 medium backhoe loaders, 12 five-ton road rollers, 22 transit mixers, 40 dump trucks, 37 heavy dump trucks at six water lorries.
Pinangunahan ni Defense Undersecretary Gardozo Luna kasama si AFP chief Gen. Benjamin Madrigal Jr. ang turnover rites kahapon, March 27.
Ayon kay Luna, ang pagbili sa naturang mga kagamitan ay resulta ng November 8, 2004 memorandum of understanding (MOU) in Defense Cooperation sa pagitan ng DND at ng Ministry of National Defense ng China.
Layon umano ng naturang MOU na palalimin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa at itaguyod ang bilateral exchanges sa defense industry.
Gagamitin ang heavy equipment para sa humanitarian aid, disaster relief operations at iba pang programa ng gobyerno kabilang ang rehabilitasyon ng Marawi City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.