Grab IGIB inilunsad para sa mga walang tubig sa Marikina

By Rhommel Balasbas March 28, 2019 - 03:39 AM

Inilunsad ng ride-hailing company na Grab ang ‘Grab IGIB’ para sa mga walang tubig sa ilang bahagi ng Marikina City dahil sa nararanasang water crisis.

Sa anunsyo ng Grab araw ng Miyerkules, maaari nang mag-book ng sasakyan ang kanilang mga customers para sa delivery ng tubig.

Para mai-deliver ang tubig, kinakailangan lamang magbook ng sasakyan, i-enter ang Marikina Grab Igib Water Hub bilang pickup point at ang lokasyon ng customer para sa drop-off.

Maaari ring hanapin sa Grab App feed ang Grab IGIB, i-click ang IGIB Today at ilagay ang lokasyon ng customer para sa drop-off.

Walang bayad ang serbisyo at kailangan lamang bayaran ng users ang halaga ng ride.

Isang container lamang ang pwede sa kada booking at maaaring bilhin ng customer ang container sa halagang P100.

Hindi naman ligtas na inumin ang tubig na alok ng Grab.

Ang Grab IGIB ay magseserbisyo hanggang bukas March 29, mula alas-4:00 ng hapon hanggang alas-9:00 ng gabi.

Available ang serbisyo sa mga sumusunod na baranggay:

  • Escopa III
  • Escopa IV
  • Industrial Valley
  • Jesus dela Peña
  • Tañong
  • Santo Niño
  • Concepcion Dos
  • Nangka
  • Parang
  • Marikina Heights

TAGS: customer, delivery, Grab IGIB, inumin, mag-book, Marikina, ride, Walang Tubig, water crisis, customer, delivery, Grab IGIB, inumin, mag-book, Marikina, ride, Walang Tubig, water crisis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.