Pedicab driver patay sa pamamaril sa QC

Dead-on-the-spot ang isang pedicab driver matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Kalayaan B, Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Danilo Navarro, 40 anyos at residente ng lugar.

Nakita na lamang ng mga tao na nakahandusay ang biktima at blangko ang mga ito sa pagkakakilanlan ng suspek.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo si Navarro.

Mayroon ding sumpak na narekober ilang metro lamang ang lapit mula sa katawan ng biktima.

Ayon sa pamilya ni Navarro, wala namang kaaway ang kanilang kaanak kaya’t wala silang ideya kung bakit naganap ang krimen.

Hinihintay ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pagproseso sa krimen.

Read more...