Ginebra tinalo ang Meralco sa PBA playoffs

By Len Montaño March 28, 2019 - 02:23 AM

PBA Images

Patuloy sa pag-arangkada ang Barangay Ginebra sa PBA Philippine Cup playoffs matapos talunin ang Meralco Bolts Miyerkules ng gabi sa score na 88-76.

Kahit may sigurado ng playoff spot, hindi nagpapigil ang Gin Kings at lalong idiniin ang Bolts sa pagkalaglag sa quarterfinals.

Tiyak na ang Ginebra sa No. 3 slot sa sunod na round kahit may nakatakda pa itong laro kontra sa NorthPort, isang team na umaasam pa rin ng playoff spot.

Apat na Ginebra players ang nagtala ng double digits sa pangunguna ni Greg Slaughter na gumawa ng 18 points at siyam na rebounds.

Bumagsak naman sa 3-8 ang kartada ng Meralco na tapos na ang kampanya ngayong conference matapos ang tatlong sunod na talo.

Samantala, break muna sa regular games ang mga koponan para bigyan daan ang PBA All-Star weekend sa Calasiao, Pangasinan sa weekend.

TAGS: Bolts, Calasiao, Gin Kings, Ginebra, Greg Slaughter, meralco, No. 3 spot, NorthPort, pangasinan, PBA All-Star weekend, PBA Philippine Cup, playoffs, quarterfinals, Bolts, Calasiao, Gin Kings, Ginebra, Greg Slaughter, meralco, No. 3 spot, NorthPort, pangasinan, PBA All-Star weekend, PBA Philippine Cup, playoffs, quarterfinals

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.