Ordinansa na nagbabawal sa pagsusuot ng shorts sa Caloocan City, pinababawi ni Mayor Malapitan

By Rhommel Balasbas March 28, 2019 - 02:09 AM

Nais ipabawi ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang isang city ordinance na umano’y nagbabawal sa pagsusuot ng maikling shorts sa lungsod.

Ang naturang ordinansa ay mariing binatikos ng netizens sa social media.

Sa isang pahayag, nilinaw ni Malapitan na layon lamang ng naturang ordinansa na maging desente ang pananamit ng mga residente ng lungsod sa mga oras na sila ay nasa tanggapan ng gobyerno.

Giit ni Malapitan, hindi ipinagbabawal ang shorts sa Caloocan.

Inutusan na ng alkalde ang mga konsehal na muling talakayin ang ordinansa at amiyendahan ito.

Naniniwala si Malapitan sa pantay na karapatan ng lahat at dapat anyang igalang ang kababaihan anuman ang kanilang suot.

Sinabi pa ng alkalde na ang ordinansa ay ipinasa noong 2007 sa ilalim ng panunungkulan ni dating Mayor Recom Echiverri.

TAGS: binatikos, caloocan city, dating Mayor Recom Echiverri, Mayor Oscar Malapitan, netizens, ordinansa, shorts, social media, binatikos, caloocan city, dating Mayor Recom Echiverri, Mayor Oscar Malapitan, netizens, ordinansa, shorts, social media

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.