5 anyos na bata patay sa pagkain ng butete sa Lapu Lapu City; 7 iba pang kaanak, naospital
Nasawi ang isang 5 anyos na batang lalaki at naospital naman ang pitong kaanak nito matapos silang kumain ng puffer fish o butete sa Barangay Pangan sa Lapu Lapu City, Cebu.
Nabatid na ang butete ang alumusal ng pamilya Casiaos Martes ng umaga.
Makalipas ang pitong oras ay namatay ang bata habang isinugod sa ospital ang kanyang ama, ina at limang kapatid.
Nakaramdam ang mga miyembro ng pamilya ng pagsakit ng ulo at tiyan at pagsusuka matapos kumain ng butete.
Samantala, iniimbestigahan na ng mga doctor sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) kung paano at bakit tinamaan ng food poisoning ang pamilya.
Sinabi kasi ng mga biktima na dati na silang kumakain ng butete pero hindi naman sila nagkaroon ng food poisoning.
Inaalam ng mga eksperto kung posibleng hindi tamang paghahanda at storage ng pagkain ang dahilan ng insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.